United States or Laos ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung dito po sa malapit sa ati'y walang mabibili niyan, ipinasubaling tugon n~g m~ga inuutusan. Kahi't doon sa palengke'y sumaglit na kayo; at magtagaltagal ma'y makapaghihintay na ako. At nawala noon din sa harap ni Elsa ang kanyang mababait na alagad. Nang mapanaog ang m~ga alila ay wala na siyang sukat pan~gilagan sa loob n~g bahay.
Ipagpatawad po nilang sabihin ko na sa kaibayong kuwarto ay isang babaeng tila nasisiraan n~g bait ang naghihihiyaw at bumabanggit n~g inyong pan~galan, ang wikang kay Tirso nakatin~gin. At kayo ay ipinakikiabot, tinatawag n~g ubos lakas, at waring napaliligtas sa isang malaking kapahamakan ... ¿Itinutulot ba ninyong ipakuha ko kayo rito at sandaling sumaglit sa kinaroroonan n~g babaeng sinabi?
Salita Ng Araw