United States or Comoros ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Di masayod na lungkot ang sumaakin ng ang gayon ay matanto at palibhasa't simula ng gawin sa akin ni Da. Amalia ang pag-hiya, binuo ko na sa loob ang pan~gin~gibang bayan. Kinabukasan, at bago pa lamang ipinakikita ni Febo ang mga unang anag-ag niya, ay iniwan ko na ang bayang ito at tinun~go ko ang Pangasinan.
Ako'y naging tao, nagdamdam ako ng gutom at di ko malaman kung anong gagawin. Nakakita ako ng isang simbahan, na itinalaga sa Walang Hanggan at inisip kong tumuloy roon. Ang pinto ay nakatalasok. Sapagka't hindi ako makapasok ay naupo ako sa pintuan at pinagsikapang kong duon makasilong; gumabi, nagdamdam ako ng ginaw, nagdamdam ako ng gutom, ininda ko, at ako'y nanginig. At ang hirap ay sumaakin.