United States or Wallis and Futuna ? Vote for the TOP Country of the Week !
Oh ang nagagawâ ng dilím ng gabí! Ang kadilimán bagáng iya'y nilaláng na talagá úpang makatúlong sa mga karúmaldúmal na adhikâ, at mapagtagúan ng mga sukáb? Kung túnay na ang Diyós ay siyáng lumaláng sa kadilimáng iyán, .... ang katotohánang itó, kung katotohánan ngâ, ay nakapagpapa-alinlangang lubhâ sa pagka-makatwiran ng Diyós na iyán!...
Sino itong ngayo'y waring isisigaw ang kanyang nagawang pagkakasala? At, nagsalita na waring inubos ang lakas: Sukab! Sukab! Na, ang salitang itong malakas ang waring nanoot sa mga pandinig ng ilan. Narinig ng dalawang sekreta, kaya't sa bahaging pinanggalingan ng hiyaw ay daglian agad na pinatunguhan ng dalawang kawal ng maykapangyarihan. Sukab na asawa!