United States or Turkmenistan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang nagcasaquit dahil sa cainaman nang pag-gaua, cun minsan yungmayayat at natutuyo ang catauan; at ang gamot sa saquit na ito,i, ang suero na iinomin nang malauong panahon; saca ang baños nang tubig na malacoco; at cun mahabang arao guinaua na ito, ang isusunod sa catapusan ay ang gatas nang baca, calabao, ó cambing.

Ang hindi manabi para nang dati, ay magaling cumain nang lutong bun~ga nan~g cahoy; bagay naman sa caniya ang mantica, ang pulot, ang azúcar, ang suero, at ang gatas; cun itong man~ga bagay na ito ay hindi macauala noong saquit na yao,i, magaling uminom ang maysaquit nang caunting ruibarbo, na macaitlo touing lingo.

Ang isa pang magaling doon ay ibabad sa malacucong tubig ang paa nang maysaquit, at painumin nang bilin sa número 20. Ang suero nang gatas ay maigui doon naman. Gayon ding mabuti purgahing maminsan minsan ang maysaquit nang bilin sa número 21.

Hindi bagay sa caniya ang pagcain n~g maraming carne. Masama rin ang man~ga maiinit, ang man~ga may taba at ang gatas; ang suero ay mabuti sa caniya. Ang gamot sa icatlong bagay na saquit nang sicmura ó tiyan, na ang tauag nang tagalog sa nagcacasaquit noo,i, hinihilaban ó inaahito, sa uicang castila ay cólico de indigestión, ó ahito, ó empacho.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap