United States or Romania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dumatíng sa Dagupan n~g Febrero n~g 1895 ang isáng mayamang inglés, na nagn~gan~galang Mr. Stopper, may catandaan na ang gulang, bahagyâ na macakita at sa Hongkong tumítira, casama n~g isáng dalagang ang pan~gala'y Josefina Bracken, taga Irlanda at may m~ga labingsiyam na taón ang gulang. Ang sadyâ n~g inglés na iyón cay Rizal ay ang pagpapagamót n~g matá, sa pagca't bantóg itó sa cagalin~gang gumamót sa ganitóng sakít. Tumirá ang inglés at ang dalagang irlandesa sa isáng bahay na malapit sa bahay ni Rizal. Casama n~g dalawang iyón ang isáng filipinang catoto raw n~g isáng canónigo sa Catedral n~g Mayníl