United States or Equatorial Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang halaga n~g isang botos n~g mamamáyang tawo, kahalaga n~g inang bayan, sapagka't kung makaladkad ang boto mo n~g isang basong sorbetes at tatlong tanghalian na gaya n~g ugali ni Kadiliman, hindi ikaw ang papatain niyan kundi ang bayang sangkalan, na nalulugami sa madlang hirap; kaya muli't mulî ang bilin ko sa iyo na bago ka boboto titingnan mo ang ugali n~g iyong iboboto, ang m~ga gawâ nito, ang m~ga ginawâ nito at kung mangyayari, pati pa nang gagawin niyan kailan~gan mong pag-aralan bago ka bumoto: Bayaan mo kompare at ganyan ang aking gagawin, ang pakli ni Bakokoy.
Nagkataon namang sa lalapit ang tagapaglingkod na may idinudulot na malamig na sorbetes, bilang pangwakas na nasasaysay sa di pangkaraniwang menu na inihandang pangbagong taon n~g "Hotel de Francia."
Halagang isang copang sorbetes, Ah, gungong, iyang pagka Bakokoy mo na malapit-lapit kang maging bakoko, pang-ulam sa mahal na araw; piniral ni Kamagong sa tain~ga't sinabing dingin mo itong sasabihin: ¿Iniibig mo ba ang iyong bayan? Hangang huling tibok n~g aking hinin~ga, ang tugón ni Bakokoy na waring nagmamalaki. Kung iniibig mong gaya n~g iyong sabi, ani Tenteng, palilinawan kitá.
Salita Ng Araw