United States or Azerbaijan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Aco'i, agad sinungaban ni don Pedrong tampalasan, ang lobo co sa sucbitan ang quinuha co na lamang. Inihulog co sa hucay at aquing pinagbilinan cahit patáy si don Juan ay iyong pag-remediohan. Ito nga po haring mahal ang iyo lamang hatulan, cun siya'i, dapat macasal cay doña Maríang hirang. Ang uica nitong monarca icao ang unang nacuha, an sagót ni Leonora aco nga po't, dili ibá.

Na cun siya'i, dumating na sa cahoy ay magcacantá, at ang gabi'i, malalim na ualang malay cahit isá. At cun yao'i, matapos na nang caniyang pagcacantá, pitó naman ang hichura balahibong maquiquita. Ay nang iyong matagalán pitóng cantang maiinam, quita ngayon ay bibiguian nang maguiguing cagamutan. Naito at iyong cuha pitóng dayap at navaja, ito'i, siyang gamót bagá na sa ibong encantada.

At sa cuarto'i, nagtulóy na itong si doña María, at nag-ualáng quibó siya parang hindi ala-ala. Ang hari nang maguising na dinucot ang unan niya, ay nacuha capagdaca singsing niyang mahalagá. Naguló ang gunam-gunam nang haring Salermong mahal, at hindi niya mapatay ang príncipeng si don Juan. Tingnan dito pa sa isa na ipag-uutos co pa, tantó manding ualang sala na siya'i, mapapatay na.

Di ang coje niyang dalá sa lupa'i, inihulog na, naguing dagat capagdaca hindi nacatauid siya. At nang cayo'i, dumating na Ermopolisis na villa, sa bahay niyong pastora iniuan mo ang princesa. Di ang bilin niyang tunay sa babaing cangino man, huag palapit don Juan at siya'i, malilimutan. Cundi mo pa sinusucat dinaanan niyang hirap, ngayon na ang pagcautás ng buhay mong ualang palad.

Ang príncipe ay hindi na nacaringig nang pagcantá, pagtúlog ay sabihin pa himbing na ualang capara. Ang sa ibong ugali na cun matapos na magcantá, ay siyang pag-táe niya at matutulog pagdaca. Sa masamáng capalaran ang príncipe'i, natai-an, ay naguing bató ngang tunay ang catauan niyang mahal. Di anong magágaua pa nang siya'i, maguing bató na, paghihintay sabihin pa nang haring caniyang amá.

Nang siya ay dumating na, sa daan na pasalunga, nagtuloy at umahon na itong príncipeng masiglá. Sa masamáng capalaran nang dumating sa ibabao, nabual nanga't, namatay ang cabayong sinasac-yán. Di anong magagaua pa sa cabayong namatay na, ang báon niya'i, quinuha at lumacad capagdaca. Nang siya'i, dumating naman sa Tabor na cabunducan, may cahoy siyang dinatnan diquít ay di ano lamang.

Nang hindi macagalao ang príncipeng si don Juan, capagdaca ay iniuan aco'i, canilang tinagláy. Nang masabi nanga itó naghaliling panibago balahibong icapitó na anaqui ay carbungco. Ito'i, siyang catapusán mahal na hari'i, paquingán, pinagdaanang cahirapan nang bunsó mong si don Juan. Sa malaquing auang lubós nang Vírgeng Iná nang Dios, isang matanda'i, dumulóg at siya'i, tambing guinamót.

Ang guinaua nilang laláng ang dalaua'i, magsasabáy, saca hahalili naman ang príncipeng si don Juan. Ay nang isang gabí bagá ang ora'i, á las doce na, guinising na nang dalaua ang bunsóng capatid nila. Si don Juan ang nagbantay niyaong gabing calaliman, nang magmamadaling arao siya'i, agad nagulaylay.

Sa ibaba'i, tumanao ca may bahay cang maquiquita ang magtuturo ay siya doon sa ibong Adarna. Yaring limos mong tinapay ay cunin mo na don Juan, nang may canin ca sa daan sa láyo nang paroroonan. Anitong príncipe't, badyá ugali pagcabata na, na cun mailimos co na ay di co na quinucuha. Pinipilit na ibigay ang limos niyang tinapay, umalis na si don Juan siya'i, hindi pinaquingan.

Nang sa cabayong maquita príncipe'i, naroroon na, nagningas nanga ang matá apóy ang siyang capara. At nang anyóng ilalagay yaong silla sa licorán, ay nanghina ang catauán nang cabayong tuturuan. Di anong magagaua pa nang siya'i, manglambót na, inilagay na ang silla ang freno'i, isinubo na. Dito nanga nagdarambá at ibig cagatin siya, palo't, dagoc na lahat na ang guinauá sa caniya.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap