United States or Saint Pierre and Miquelon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nang magcagayon, ay isip ninyo,i, tototoohanin ni Próspero ang caniyang pañgaco. Uala siyang catiguil-tiguil. Mamaya,i, pinaliligoan niya ang canilang tatlong calabao; mamaya,i, nangdadamo siya, ó nañgañgahoy caya; ñgayo,i, pinag-iigui niya ang bacuran nang canilang bahay, ó linilinis ang canilang looban; ó cung dili caya,i, naghuhusay-husay siya nang mañga casangcapan sa pamamahay.

May puso n~ga siyang nasasabi'y di niya maalaman kung tumitibok pa nang sandaling iyon ... Ang m~ga mata niya'y naroroo't nakadilat n~ga, subali't hindi niya maturol kung may nakikita pa ... Nakikinig siya sa pook na yaon, n~guni't sa kanyang m~ga tayn~ga'y isang kawang kuliglig mandin ang nagpapanabay na tumutulig at nagpapalito sa kanyang isipan....

Ang kanyang mukha ay mistulang larawan ng lungkot, ang kanyang mga paningin ay binubukalan ng saganang luha, luha ng pananahimik sa kawalang-pagasa. Hindi na nga kaya niya palad si Leoning! Ilang mga sandali na lamang at ang kanyang Leoning ay haharap na sa dambana, na, magiging palad ni Daniel Perez, na siyang umagaw ng kanyang kapalaran.

Tinatawag siyáng Don Anastasio ó filósofo Tasio n~g m~ga táong may pinagaralan, at ang m~ga masasamâ ang tûrò, na siyáng lalong marami, tinatawag siyáng Tasiong ul-ól, dahil sa hindî caraniwang canyáng m~ga caisipán at cacaibang pakikipagcapowa-táo.

Cun minsan mayroong naiipong tubig sa tiyan nang tauo, na yaon ang dahilang iquinapamamaga noon, at ang pan~galan sa saquit na yao,i, bilbil . Ang tubig ay gungmagala at nagbabago nang lugar, cun ang may catauan ay nagbabago naman nang lagay; ang pulso ay munti, madalas at matigas tigas; caunti ang inaiihi nang maysaquit; nauuhao siyang parati, yungmayayat, at ang paghin~ga ay mahirap; ang maysaquit ay nanhihina pa mandin cun malauon, nag-uubo siya, at may lagnat na caunti.

Nababahagui sa tatlong pitac: ang una, sa macatwid baga'y ang pasucan, ay isang malaking cabahayang tuwid, na may dalawampong metro ang haba at labing apat na metro ang luang; sa isa sa canyang m~ga taguilira'y may isang pintuang isang babae ang caraniwang nagbabantay, na siyang catiwala sa paninin~gil n~g sa pinto, ó cabayaran sa pagpasoc doon.

Subali,t, baga man napaoo nang napaoo, at napapaayon nang napapaayon ang palamarang Próspero sa mañga pañgañgaral nang caniyang amba, ay cung sa gaua,i, hindi rin binabago niya ang caniyang masamang ugali, cundi ang caniya lamang ay siyang sinusunod.

Palibhasa'y nais co ang iyong cagalin~gang siyáng cagalin~gan co rin namán, at sa aking paghanap n~g lalong mabuting paraang sa iyo'y paggamót, gágawin co sa iyo ang guinágaw

Ang Hari na lamang ang tan~gi sa lahat na di kumukuha sa nasabing sulat ayon sa malaking adhika nang lahat na ang naalama'y pawang matalastas. Yaong Arzobispo'y ang nasok sa budhi ipagsama naman ang mahal na Hari na siyang kukuha nang sulat na tan~gi na hawak nang bangkay na di mapagwari.

N~g macababâ na n~g tuláy, tumacbó ang m~ga cabayo't tinun~go ang paseo n~g Sabána . Sa caliwa'y ang fábrica n~g tabaco sa Arroceros, na pinanggagalin~gan n~g malakíng úgong na guinágawa n~g m~ga cigarrera sa pagpucpóc n~g m~ga dahon n~g tabaco. Napan~gitî si Ibarra, sa pagca alaala n~g masangsáng na amóy na iyóng sa tuwíng icalimáng oras n~g hapo'y lumalaganap sa tuláy n~g Barcas at humihilo sa canyá n~g panahóng siyá'y musmós pa. Ang masasayáng m~ga salitâan, ang m~ga catatawanan ang siyáng cahi't hindî niyá sinasadya'y nacapaghatíd sa canyáng guníguní sa nayon n~g Lavapiés, sa Madrid, sampô n~g doo'y m~ga pangliligalig n~g m~ga cigarrera, na totoong nacacapahamac sa sawíng palad na m~ga "guindilla" at iba p