United States or Syria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itinanong sa canila cung baquit sila nagcaganoon; at sungmagot ang isa sa canila nang ganito: cami ay man~ga inglés na napapatun~go sa pulong tinatauag na Martinica na nasasacupan nang Francia. Habang aming inaantay ay lungmalacas na totoo ang han~gin na may catacottacot na ipoipo, na naputol ang lubid na tali sa sinipete; at cami napatulac sa calautan nang dagat na di namin mapiguilpiguilan.
Ang man~ga marinero,y, itinaas ang man~ga sinipete, at iniladlad ang man~ga layag; humihip ang han~gin at tumulac ang sasacyan, at ang Capita,y, napaalam sa ciudad at macaanim na nagpaputoc nang cañon. Si Robinson ay na sa ibabao nang cubierta ó carang, casama nang caniyang caibigan, at ualang pagcasiyahan nang touâ, sa pagcaquitang siya,y, nacapaglayag din.