United States or Canada ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindî maisaysay ang catowâan: libolibong camáy ang sa canilá'y umabót upang iahon silá sa túbig. Nahihibang hálos ang matatandang babae at silá'y nan~gagtatawanan at nan~gagdárasal. Nalimutan ni Andeng na macaatlo n~g sumulác ang canyáng sinigáng: nábubô ang lahát n~g sabáw at namatáy ang apóy. Si María Clara lámang ang hindî macapagsalitâ.
Samantala'y dumating silá sa bangcâ; itinálì n~g matandang bangkero ang m~ga sasacyan sa isang tolos na cawayan. ¡Hintay muna! ani tía Isabel sa anác na lalaki n~g matandang talagang aacyat na sanang dalá ang panáloc, kinacailan~gang mahandâ muna ang sinigáng at n~g tulóy-tulóy sa sabáw ang m~ga isdâ panggagaling sa tubig.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap