United States or French Guiana ? Vote for the TOP Country of the Week !
Yao'y isang tinig na caayaaya, matining, mataguinting, nagmamacaawa, itinatan~gis warî ang "Ave María" ni Gounod, na sinasaliwan n~g pianong siya rin ang tumutugtóg at caacbay niyang dumadalan~gin. Nagpacapipi ang música n~g procesión, huminto ang pagdarasal at tumiguil pati ni pari Salvi.
"N~g matapos ang procesio'y pinasimulán ang misa, na sinasaliwan n~g orquesta at n~g m~ga artista n~g teatro. N~g matapos na ang Evangelio'y pumanhík sa púlpito ang totoong cagalanggalang na si Párì Fray Manuel Martín, agustinong nanggáling sa lalawigang Batan~gan, na pinagtakhán n~g m~ga nakikinig na páwang nan~gabitin sa canyáng pananalitâ, lalonglalò na ang m~ga castíla, sa pagpapasimulâ n~g pan~gan~garal n~g wícang castíl