United States or Afghanistan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun ugali ang caniyang pananabi. Anong color nang ihi. Cun mayroong namamaga sa caniyang catauan. Cun siya,i, pinapauisan. Cun lungmulura, ó cun anong inilulura niya. Cun nasisira ang bait. Cun guinhaua ang paghin~ga. Cun maquintab ang mata. Cun anong iguinagamot sa caniya, cun pinurga siya, ó pinasuca, ó sinangrahan caya. Maano caya siya nang siya,i, magamot nang gayon.

Cun baga ang bulutong ay ungmuurong sa loob nang macasibol na, ay mahirap ang lagay nang maysaquit; caya ang gagauin doo,i, houag big-yan nang man~ga mainit, ó yaong man~ga bagay na ipapauis; painumin lamang nang marami nang turo sa número 12, at parapitan sa man~ga binti nang bilin sa número 36. Cun minsan ay umuuling sungmisibol ang man~ga bulutong, pag sinangrahan ang maysaquit.

Paiinumin nang marami nang bilin sa número 3. Cun ang pulso,i, malambot na, ang gagauin sa maysaquit ang man~ga turo sa párrafo 383, na sinundan nito. Datapoua cun minsan ay dili cailan~gang pasucahin ang maysaquit. Cun baga malaqui ang catigasan nang pulso, nang bago siyang magcasaquit, ay mabuti purgahin nang bilin sa número 11, capag sinangrahan na.

Datapoua aco,i nacaquita na nang labing limang maysaquit sa isang bayan lamang na quinagat nang asong bang-ao; at nan~gamatay rin, baga man nan~gabahao ang canilang man~ga sugat, at sinangrahan nang man~ga médico at sinipsip pa,t, vinentosahan ang canilang man~ga sugat.

Ang pagpambo sa malacucong tubig ó ang baños man lamang hangang tuhod, ay macaguiguinhaua rin sa maysaquit, pag sinangrahan at sinumpit ayon sa sinabi co na sa itaas. Datapoua cun pambohan muna ang maysaquit, bago sangrahan, ó purgahin, ay lulubha siyang bagcus.

Maigui, ani P. Clain, ang pagn~gan~ga nang caunting tabaco, at lumura muna minsan bago lonoquin ang ibang lauay, nang macatulog ang may catauan. Cun ang maysaquit ay nag-uubo at ualang ilinulura; cun pungmupula ang muc-ha, at ang ugat nang catauan ay lungmalaqui, at tila siquip ang caniyang dibdib, pati nang lalamunan, ay paiinumin nang bilin sa número 12, capag sinangrahan na.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap