United States or Micronesia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa isáng dúlo n~g salas na napapapamutihan n~g maruruming m~ga "cortinang" pulá, natatagò ang larawan n~g hári, na nacasábit sa pader, nacapatong sa isáng tarímang cáhoy ang isáng lúmang sillóng nacabucá ang canyáng wasác na m~ga brazo; sa harapa'y may isáng malakíng mesang cáhoy na narurun~gisan n~g tinta na may m~ga úkit na m~ga salitâ at m~ga únang letra n~g pan~galan cawan~gis n~g marami sa m~ga mesa sa m~ga tindahan n~g álac at cerveza sa Alemania, na caraniwang paroonan n~g m~ga estudiante.

Magagandá ang m~ga casangcapan, baga man marahil ay hindî maguinhawahang gamitin at nacasasamâ pa sa catawan: hindî n~ ang icaiilag sa sakít n~g canyáng m~ga inaanyayahan ang naiisip n~g may-arì, cung ang sariling pagmamarikít. ¡Tunay at cakilakilabot na bagay ang pag-iilaguín, datapowa't cayó namá'y umuúpô sa m~ga sillóng gawáng Europa, at hindî palaguing macacátagpò cayó n~g ganyán! itó marahil ang sinasabi niya sa canilá.

Laguim na totoó ang gobernadorcillo; ang canyáng sillón, yaóng dakilang sillóng nacalagáy sa ilalim n~g larawan n~g mahál na harì, waláng gumagamit, at wari'y natutungcol sa ibáng tao. Dumatíng ang curang namúmutla't cunót ang noó, n~g malapit n~g tumugtóg ang á las nueve. ¡Hindi namán nagpahintáy cayóng totoó! ang sinabi sa canyá n~g alférez.

Naupô ang gobernadorcillo sa sillóng nacalagáy sa ibabâ n~g larawan n~g harì, macaapat ó macálimang umubó, hinaplós ang úlo at ang mukhâ, inilagáy ang síco sa ibabaw n~g mesa, inalís, mulíng umubó at gayón ang paúlit-ulit na guinawâ.

Itinuro n~g alférez ang bilangguan. Waló ang náriyan, anyá; namatáy si Bruno caninang hating gabí, n~guni't nacatitic na ang canyáng m~ga saysáy. Bumati ang cura cay doña Consolación, na ang isinagót ay isáng hicáb at isáng ¡aah! at naupô sa sillóng na sa ilalim n~g larawan n~g mahál na harì. Macapagpapasimul