United States or Sint Maarten ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang catulad at capara nitong si doña María, lumabás sa, isang guerra at nanalong nagvictoria. Ito'i, aquing pabayaan victoria niyang quinamtán, at aquing ipagsasaysay ang canilang paglalacbay. Nang sila'i, dumating naman sa reinong de los Cristal, uala nanga at namatáy ama't, capatid na hirang. Ang dinatnan sa palacio secretario't, consejero, siya ngang pagdating dito nang emperador na bago.

At sa lupang calaliman doon namin nasumpungán, may alagang nagtatangan gigante't, serpienteng hunghang. Cami ay naquipagbaca at lumaban sa canila, nang manga-patáy pagdaca manga princesa'i, dinalá. Nang ito'i, mapaquingan nang hari nilang magulang, di hamac ang catauaán at sila'i, benendicionan. Itong hari'i, may tuá man sa manga princesang tagláy, malaqui ring calumbayan sa anác na cay don Juan.

Niyong sila'i, aalis na at oouí sa Berbania, ay nangusap capagdaca ang princesa Leonora. O don Juang aquing búhay ay aquing nacalimutan, ang singsing cong minamahal sa lamesa ay naiuan. Anang príncipe at badyá cayo'i, maghintay aniya at aquing cucunin muna yaong singsing nang princesa. Ani doña Leonora huag na guilio co't, sintá, cun paroon cang mag-isá malaqui cong ala-ala.

Ito'i, lisanin cong agád na sa haring napangarap, at ang aquing ipahayág ang apat na naglalacád. Nang sila'i, dumating na doon sa reinong Berbania, sa palacio'i, nagtuloy na humarap sa haring amá. Lumuhód na sa harapán nang amá nilang magulang, canilang ipinagsaysay lahat nang pinagdaanan. Si don Juan po'i, hindi na na amin siyang naquita, itong dalauáng princesa ang siya naming nacuha.

Nag-uica ang ermitaño mangagsi-ouí na cayó magcasundó cayong tatló at huag ding may mag-lilo. Don Juan ay cunin mo na iyang mariquit na jaula, baca di datning buháy pa ang monarcang iyong amá. Bago umalis at nanao ang príncipeng si don Juan, ay lumuhód sa harapan nang ermitañong marangal. Napabendición nga muna at saca sila'i, nalis na, si don Pedro ay nagbadyá cay don Diegong bunso niya.

Malaquing pasasalamat nang magcapatid na liyag, ualá silang maibayad cay don Juang manga hirap. Sila'i, agad napatungo sa bahay nang ermitaño, at naghain nanga rito pinacain silang tatló. Ay ano'i, nang matapos na nang pagcain sa lamesa, capagdaca ay quinuha garrafang may lamáng lana. At caniyang pinahiran yaong sugat ni don Juan, gumalíng agad nabahao at ualang bacás munti man.

Sa arao ring itó bagá icacasál ang dalauá, príncipe't, si Leonora at sila'i, mag-aasaua. Nang maquita sa palacio ang carrosang guintong puro, anang haring don Fernando emperatriz sa banta co. Ay ating itiguil muna pagcacasal sa dalauá, baca manonoód siya nitong pagdedesposada. Ang uica nang calahatán emperatriz nga po iyan, manonoód ang dalihán sa bago pong icacasal.

Iyan ang bunsó mong anác si don Juan ang pamagát, na nagdalita nang hirap sa utos mo ay tumupad. Yaong anác mong dalaua na inutusang nauna, anoma'i, ualang nacuha at sila'i, naguing bató pa. Nang ito ay masabi na tumaha't, nagbago muna, balahibong icalauá na mariquit sa nauna. Saca muling nagpahayág abá haring sacdal dilág, paquingán di man dapat yaong cay don Juang hirap.

Alang alang sa corona at hauac na cetro niya, huag nang biguiang parusa ang capatid cong dalauá. Cun sila'i, ipadalá man sa malayong caharian, di co mababatang tunay na hindi paroroonan. Caya haring aming amá patauarin na po sila, sa Dios ito'i, talagá ang guinaua nilang sala. Ang di magpatauad naman sa guinauáng casalanan, ay di rin naman cacamtán ang gloria sa calangitán.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap