United States or Belgium ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Walâ pô namán cung dî lílima, m~ga guinoong babae, at ganyán calaki lamang! ang patibay na sabi n~g seminarista, at sa canilá'y itinuturo ang maliit na bílog na gawâ n~g canyang hinlalakí at hintutúró na pinaghúhugpong ang capuwâ dulo. Yapácan ninyóng mabuti ang bunót na sicsíc at n~g hindî mabunglós.
Talastas mo namang maigui ang capit n~g sino mang tauong sa cura'y sumanib gayon din sa pilac ualang isusulit at sino mang frayle'y sagana at sicsic. Hindi ca daramdam n~g ano mang hirap igagalang ca pa n~g capua mong lahat, balana'y pupuga'y sa iyo't tatauag macapangyarihan, papel ay malapad .