United States or Eswatini ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang sanggól pa siyá'y culót ang canyáng buhác at halos culay guintô; ang ilóng niyáng magandá ang hayap ay hindî totong matan~gos at hindî namán sapát; ang bibíg ay nagpapaalaala sa maliliit at calugodlugod na bibíg n~g canyáng iná, tagláy ang m~ga catowatowang bíloy sa m~ga pisn~gî; ang balát niyá'y casíng nipís n~g pang-ibabaw na balát n~g sibuyas at maputíng culay búlac, anáng m~ga nahihibáng na m~ga camag-anac, na caniláng nakikita ang bacás n~g pagcâ si Capitang Tiago ang amá, sa maliliit at magandáng pagcacaanyô n~g m~ga tain~ga ni María Clara.