United States or Saint Pierre and Miquelon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Naibigay pa ang baro at salawal ni Semel; siya'y namamanlaw at hindi mapalagay. Nguni't sa pagkaalala niya ng ngiti niyaong taong hindi kilala ay nasiyahan ang kanyang loob. Maluwat-luwat na di nakatulog si Matrena. Si Semel man ay hindi rin makatulog at namimilipit sa balabal. Semel! Ay! Ating naubos ang lahat ng tinapay. Hindi ako nagtinapay ngayon. Anong gagawin natin bukas?

Bahagya nang magsalita at mamakalawa lamang napangiti, na ang una, ay ng hainan siya ng asawa ni Semel, at ang ikalawa'y ng dumalaw ang barini . Si Semel ay tuwang-tuwa sa kanyang pangulong manggagawa at di niya tinatanong kung saan galing; iisang bagay ang kanyang pinapanimdim, na baka si Mikhail ay lumayas. Isang araw ay nagkakapisan silang lahat.

Hindi, walang humarang sa aking sinuman; pinarusahan ako ng Diyos. Alam na natin, na ang lahat ay galing sa Diyos; nguni't may pinagbubuhatan. Saan ka paroroon? Kahit saan. Namangha si Semel. Ang taong ito'y walang pagmumukhang masama, ang boses niya'y kalugod-lugod, nguni't walang ipinagbabadya na tungkol sa kanyang sarili.

Sa paghahatid sa kanya nina Semel ay nalingunan si Mikhail na nakayakap ang mga kamay sa mga tuhod, ang mga mata'y nakatirik sa langit at nakangiti. Siya'y nilapitan ni Semel at pinagsabihan. Anong ginagawa mo, Mikhail?

Kung magagawa mo ay tanggapin mo ang katad na ito at iyong tabasin; kung hindi naman ay iyong tanggihan. Aking ipinagpapauna sa iyo, na kung ang mga botang iyan ay masira bago mag-isang taon ay ipapasok kita sa bilangguan, kung magtagal sa akin ng isang taon ay pagkakalooban kita ng sampung rublo . Si Semel ay nagitla, nagdili-dili, hindi niya malaman ang gagawin.

Si Matrena ay hindi lumilingon na nagbububulong. Tumigil sa may kusina, saka minasdang isa-isa, na iiling-iling at di kumikibo. Nahalata ni Semel na galit ang kanyang asawa; nguni't anong gagawin? Sapagka't walang may ibig, ay tinagnan niya sa kamay ang kasama at sinabing: Maupo ka, kapatid. Humapon tayo. Ang kasama ay naupong walang imik. Ano Matrena; hindi ka ba naghanda ng hapunan?

Iniisip ang kakanin, nararapat kayang ihanda ngayon o bukas. May natitira pang kaunti sa paminggalan; kung si Semel ay nakakain na sa nayon at hindi humapon mamayang gabi ay may kasiyang pagkain sa kinabukasan. Muli't muling tinignan ang nalalabing pagkain. Hindi ako magtitinapay ngayon, aniya; saka kakaunti ang aking harina; baka sakaling umabot hanggang biyernes.

Nakaupo sa bangko na di umiimik, Ang kanyang dibdib ay nanlalaki, halos magputok, na nakayakap ang mga kamay sa mga tuhod, nakatungo ang ulo, naka-pikit ang mga mata, na parang napipighati. Napatahimik si Matrena. Siya'y malugod na pinagsabihan ni Semel. Matrena; nawala na ba kaya ang Diyos sa iyong kalooban?

Tinunghan ni Semel at agad nabuhay ang loob ng taong yaon, idinilat ang mga mata, inilingon ang ulo at minasdan si Semel. Pagkamalas ng magsasapatos ng tinging yaon ay nagtaglay ng pag-ibig doon sa taong di niya kilala. Inilapag ang kanyang dalang bota; kinalag ang kanyang sinturon at naghubad ng sako.

Lumingon si Semel at nakita niya na walang kaalis-alis ang mata sa mga bata. Si Semel ay napamangha ng higit at higit.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap