United States or British Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Naupo na si Felicitas sa bancong itinuro sa caniya, at tuloy nag-uica ang aming Cura nang ganoon: Itong sulat na ito nang capatid mong si Próspero, ay cung basahin nang paimbabao; ó basahin caya nang mañga hindi nacacaalam nang mañga ugali ninyong mag-ama at magcapatid; ó basahin baga nang mañga hindi nacapagmasid nang asal nang mañga tagalog; ó basahin caya nang mañga tauong ualang sariling pag-iisip; ay segurong-segurong sasabihin nila, na itong sulat na ito,i, mariquit at matino, at ualang ibang cahulogan cundi ang magbalita si Próspero sa inyo nang caniyang calagayan sa Maynila.

Cung icao sana,i, macaluluas, at macapagmamasid ca nang mañga asal nang mañga tauong taga rito sa Maynila, ay segurong-segurong sasabihin mo, na ang lahat na ipinamamalita co sa iyo, at catotohanan at hindi casinoñgaliñgan. Inaantay co ang casagutan mo. Cung sa ganang aquin, ay ipinañgañgaco co sa iyo na maalaman mo rin sa mañga sulat co, ang aquing isinasaloob na lahat.

Isang gabi, ay tinucso co ang matanda, na ang uica co baga sa caniya: Cung cayo po,i, nag-aral sa Maynila nang caunti man lamang; cung cayo, po, anaquin, ay natuto nang uicang castila man lamang, ay segurong-segurong cayo,i, naguing directorcillo dito sa inyong bayan, at macaquiquita, po cayo sa Tribunal nang pagcabuhay ninyo na ualang malaquing capagurang paris ngayon, na cung ibig, po, ninyong cumita nang naipacacain sa inyong manga anac at asaua, ay cailangan, po, na cayo,i, magbangon nang maaga, at humauac nang calabao, at dumilig muna nang lupa nang inyong pauis, bago, po, cayo,i, macaquita nang maisusustento sa inyong familia.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap