United States or Somalia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Magtahan ka, ang sagot ni Kadiliman, at hindi mo dapat maalaman ang kalihimang ito, sulong, matulog kana, muli na namang nagbububulong; hindi maubos madili ni Lolay ang ligálig na ito n~g asawa niyang irog kaya't napilitang nan~gusap n~g: Hito pala lamang ang may sulat niyan, di bayaan moná baká ka pa matibô, at sinabayan n~g hatak sa kamay na may pluma tayo na asawa ko; batak-batak hangang sa kanyang hihigan at saka lamang na tahimik si Lolay, bakit mag-uumaga na; anopa't nang nakahiga na si Kadiliman, ay satuina't magigiling ang matá sa paghiga, bigláng nagugulantang na tila na wawari ni Kadiliman na siya'y binabatak nang m~ga kaluluwa sa Purgatorio na nagsipagbayad sa kanya bago málibing, at ang isa sa m~ga kaluluwang ito'y nan~gusap n~g malumanay na waring nangagaling ang voces sa ilalim n~g lupa ganitô ang sabi n~g kalulwa: Kadiliman, Kadiliman, magsisi ka n~g iyong sala ¿saan mo dinádalá ang kwalta n~g m~ga patay bago ibaon?