United States or Bangladesh ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun si Amadeo, Feliza, ay maquitaan mo nang galit, macabitao siya nang masaquit na sabi, ay pagaralan mong tiisin, nang cun maquitaan ca nang magandang halimbaua, ay magaral namang magtiis sa iyo. Marami ang babayeng matabil, di marunong mag tiis: ang isang sabi nang asaua, ay sasagotin nang sampo. ¿Ano ang quinásasapitan cun minsan nang man~ga ganitong babaye? Ang lalaqui pag nagalit, ay hahauac nang pamalo, at ang sampuong sagót nang babaye, ay gagantihin naman nang sampuong palo nang lalaqui. At dito na nagmumul
Pagdating sa bahay, sasalubon~gin nang asaua, itatanong ang naquita sa maghapon, at palibhasa,i, inaasahang hahapona,t, aagahan nila,t, sampong man~ga anac. Sa tanong na ito,i, sasagotin ang pobreng babaye nang isang tun~gayao, sasalubon~gin naman nang asaua nang tun~gayao rin, at ang quinasapita,i, ang sala-salabat na sumpa,t, tun~gayao.