United States or Angola ? Vote for the TOP Country of the Week !


Si Elsa n~ga ay mamamalagi pang dalaga, hiyas na maningning na gaya n~g dati'y palamuting ayok sa bawa't kilusan n~g kabinataan; sariwang bulaklak na naghahalimuyak n~g sanghaya sa halamanan n~g pagibig, na ang m~ga talulot ay mapan~gan~gayupapaan n~g bawa't paroparong uhaw sa luwalhati....

Datapwa't ang pangyayaring yaong kanyang dinaranas na mga sakit ng damdamin sa puso, ay di rin nalihim sa ilan niyang mga kakilala at kaibigan nang lumaon na. At, ang pagkakaalam ngang yaon sa kanyang kalagayan ay maraming nagtataka kung bakit hindi na nanumbalik ang dati niyang sariwang katawan at di na muling nagbalik ang dating lakas.

Sa cawacasa'y lumabás si María Clara sa páliguan, casama ang canyáng m~ga caibigang babae, saríwang túlad sa isáng rosa sa únang umágang pamumucadcad na numíningning ang hamóg na ang cawán~gis ay kisláp n~g diamante sa caayaayang ulbós n~g bulaclác. Inihandóg niya ang únang n~gitî cay Crisóstomo, at naucol ang únang pagdidilím n~g canyáng nóo cay párì Salví.

At ... nang magmamadaling araw na, bago siya maidlip ng bahagya ay walang nasabi ang kanyang sarili kundi: Anong lugod sana kung makakapiling ko si Leoning sa pagkakataong paris nitong gabing puno ng sariwang pagasa, ng lugod ng puso at buhay! Kinabukasan, pagkagising ni Eduardo, ay wala nang ibang sinikap sa sarili kundi ang paraang kanyang gagawin upang makausap ang binibini.

Waring dala ang mababangong halimuyak ng mga sariwang bulaklak na nagsisipamukadkad sa mga sariwang halamanan na pinapatakan ng hamog kung nagdadapit-hapon. Pati mga ibon ay waring mga nananahimik na noon, na, nangagdapo sa sanga ng kahoy.

Ang patak n~g ulan ay awa n~g lan~git, lihim na biyaya sa m~ga ninibig, laman n~g panulat sa m~ga pag-awit, sariwang bulaklak sa pitak n~g isip. Kung ang tan~ging Musa'y may tampo sa akin at ayaw sumunod sa aking paggiliw, ang patak n~g ula'y sukat ang malasin upang ang lira ko'y sumuyo't sumaliw.

Huag kang malakas magsalita at baka n~ga sila magising, manaog ka at dito tayo sa halamanan mag-ulayaw, dali na, at dito mo ipalasap ang matatamis mong pagmamahal at gagantihin ko n~g m~ga sariwang ala-ala. Baka sila magising?.... Hindi.

Ang mga puso ay katulad ng mga bulaklak. Ang pusong umiibig na uhaw sa lingap ng kanyang paraluman ay pusong uhaw sa biyaya ng kanyang langit na katulad ng mga bulaklak na waring nakangiti sa bawa't patak ng sariwang hamog. Katulad ng mga dahon ng kahoy na anyung nalalaing na sa patak ng hamog ay pamuling nananariwa, na, tulad ng isang pusong nauuhaw naman sa katamisan ng ngiti ng dalaga.

M~ga taong walang hulugang karayom na nagsilurok sa kaputikang gawa n~g matagal na ulang bumuhos nang singkad na maghapong iyon; maraming banda n~g musikang nakalipana sa magkabilang panig n~g daang Padre Burgos at Paseo de Magallanes; mula sa may gusali n~g "Intendencia" hanggang "Jardin Botanico", sarisaring watawat n~g di mabilang na kapisanang dumalong kasama ang pinakamarami sa kanikanilang m~ga kasapi; mahahabang hanay n~g m~ga "Guias Nacionales" at "Guerrilleros Filipinos" na nakatalatag sa pinagdaanan ni Quezon; m~ga automobil, kalesa, kalesin, at iba't ibang sasakyang nalilimpi sa m~ga gilid n~g lansan~gan; ang malaking langkay n~g m~ga binibining taga "Centro Escolar" na nagalay kay Quezon n~g isang marikit na pangnan n~g m~ga sariwang bulaklak na may kalapating nakasilid ... iyan ang m~ga namalas n~g humahan~gang m~ga mata ni Tirso na sa palibidlibid n~g pook na yao'y siyang nagpapasikip n~g gayon na lamang, at siyang nagpapakilala n~g di masayod na kagalakang naghahari sa madla alangalang sa karan~galan n~g mabunying anak n~g bayang may ipagsusulit na tagumpay sa kanyang pagbalik sa lupa niyang tinubuan.

Pagkaraan ng maraming araw at mga linggong sinusundan ng mga buwan mula nang si Leonora ay mapakasal kay Daniel Perez, si Eduardo ay nagi nang masasaktin. Ang lahat niyang kasiglahan ng katawan ay paraparang nangungupas na lahat, sa pagkahulog ng lakas. Ngayo'y nagi siyang isang binatang maputlain at nagyayayat ang dating sariwang katawan.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap