United States or Paraguay ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ako kaya lamang hindi makadalaw't sa iya'y humarap, sapagka't may lungkot ... ang kalungkutan ko'y sa iyo rin buhat; ikaw'y nagkasala, pagkakasala mong sa akin ay labag.... anong kasalanan? ... ang pagsasayaw mong di minamarapat.

Ilán na sa kanilá ang ngayo'y kinikilabútan sa hiyâ sa ibang táo, sapagka't sa ganitó ó gayóng gabí, silá ay náyapus ng mga ganitó ó gayóng négro? At humahanggá ba rito ang mga nangyayári? Bakit at may mga kantinera diyang ngayo'y kaabra-abrasete ó kaya'y kalúlan sa bagól ng mga itim?

Sapagka't hindi naman manyayaring manatili ang pagaakayan n~g isa't isa, sanhi sa walang kasingsikip na taong umuho n~ga sa loob n~g tanghalang iyon n~g malaking kasayahan, hindi kinukusa n~g sinoma'y nagkalayolayo sila: ang magasawa ay napabukod; si Elsa't si Tirso ay kung saan napatun~go; at si Dioni ay napagisang hahanaphanap sa m~ga kasama.

Nagpakamatay siya sapagka't siya na rin ang nasilaw sa kawalanghiyaang ginawa ng asawang nagsukab at kung hindi niya mapangilagan ang masamang ibubunga noon ay isang kabulukang kanyang tatamuhing pagkasamasama. Inilagan niya ang masasamang asal ng asawang sukab at minatamis pa ang mahimlay sa lupang hantungan ng lahat.

Kailangan sapagka't ang matuwid ay kailan man ay matuwid na dapat paghabulin ng isang tao ang kanyang sinusubaybayan. At, ang masasama ay may kanyang kalalagayan. Ang masama ay masama. Kaya kailangan ang masama ay mabukod sa mabuti at ang mabuti ay mabukod sa masama. Sa sangdaigdig ay sadyang may ganito, na ang masasama ay sa masama at ang mabuti ay sa mabuti.

=Hindi tinatanggap ang m~ga taksil= "Kung ang han~gad n~g papasok dito'y ang tumalastás lamang n~g m~ga kalihiman nitó, o ang kilalanin ang m~ga naririto't n~g maipagbili sa isang dakot na salapi, huwag magpatuloy, sapagka't dito'y bantaín lamang ay talastás na n~g makapál na nakikiramdám sa kaniyá, at karakarakang nilalapatan n~g mabisang gamot, na laán sa m~ga sukaban."

Lalo pa akong nagdanas ng yamot sapagka't hindi ko kilala ang ugali ng iyong mga kasama sa bahay at nagalaala ako na baka kung dalawin kita'y hindi ka nila ipakausap sa akin at mawikaan pa ako pagtalikod ko, kaya't upang huwag magahis ng kainipan ay ginala ko ang lahat ng bahay ng aking mga kaibigan. Gabi. Pinagsadya kita. Wala ang iyong ina.

Samantalang ganap ang katahimikan, sa isang malaking bayang nasasakop ng Maynila at sa tapat ng isang tindahang tagalog, nan~gakaupo ang maraming binata at ilang matatanda. Sapagka't kaugalian na ng lahing Lakandula na ang mga binata't dalaga ay man~gagliliwaliw sa liwag ng bowan ang karamihan ng binata na nag upo sa tapat ng tindahang nabanguit ay nan~gagyayaang maglakad sa liwanag ng bowan.

Kung sa pag basa mo'y may mapansing hindí tama ang sabi ko't sa isip mo'y malí, huag hahatulan n~g sirá't ang hin~gi sa pagtutulin mo ay magwari-wari. Sapagka't kung kaya gumugol n~g pagál ang malampang isip kahit gumagapang, adhika n~g puso'y maguing munting tuláy sa tawiring hirap niyaring abang búhay.

Nagpakamatay siya sapagka't ang pagsusukab na iyon ng kaisangpuso ay hindi na niya nais pang masilayan upang huwag makapagbigay sa kanyang kalooban ng marungis na lusak ng kapalaran. Nagpakamatay siya sapagka't ninais niya ang mangilag sa kataksilang ginawa sa kanyang pagkatao ng kanyang kaisa na ang pagtataksil na iyon ay magbubunga ng kung ano anong masasamang kasiraan sa isang tao.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap