United States or United Arab Emirates ? Vote for the TOP Country of the Week !


At binitawan ang sanlazarohin at lumayóng cumacantá: ¡Dáting may halamanan aco't m~ga bulaclác, aco'y dating may m~ga anác na lalaki, halamanan at m~ga bulaclác! ¿Anó na ba ang nagawâ mong magaling sa cahabághabág na babaeng iyán? ang tanóng ni María Clara cay Ibarra.

N~guni't lumápit ang sanlazarohín sa baculan, kinuha ang hiyás na cumináng sa canyáng m~ga camáy, lumuhód, hinagcán ang hiyás na iyón, at saca nagpugay at bago isinubsób ang canyáng noó sa alabóc n~g bacás n~g dalaga. Ikinublí ni María Clara ang canyáng mukhâ sa canyáng abanico at dinalá ang panyô sa canyáng m~ga matá. Samantala'y lamapit ang isáng babae sa culang palad na anaki'y nagdárasal.

Lugáy at gusamót ang canyáng mahabang buhóc, at sa liwanag n~g ilaw n~g m~ga faról ay napanood ang payát at namumutlâ n~g mainam na pagmumukhâ n~g ul-ol na si Sisa. N~g maramdaman n~g sanlazarohin ang paghipò sa canyá, nagpacasigawsigaw, at tumindíg sa isáng lucsó.

Iyan ang sanlázarohin, ang isinagót ni Iday. May apat na taón na n~gayóng kinapitan siyá n~g sakit na iyan: ang wic

N~guni't ang guinawâ n~g sanlazarohin ay inilayô sa canyá ang salapíng iyón sa pamamag-itan n~g isáng patpat: ¿anó ang gágawin niyá sa salapî sa gayóng walâ sino mang tumangáp n~g anó mang bágay na gáling sa canyá? ¡Cung macacain sana ang relicario! Tiningnán ni María Clara n~g boong pananaghilì ang m~ga babaeng nagbibilí n~g m~ga cacanín, at ikinibít ang m~ga balicat.