United States or Democratic Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bilang ica sampu niyong Marzong buan guinagaua yaong man~ga capurihan, nang apat na pung Mártires na tunay na man~ga, soldadong pauang man~ga banal. ¡Oh man~ga capatid dinguin yaring luhog na pag-tibayin ang ating man~ga loob, nang sampalataya sa totoong Dios at sa Iglesiang taglay nang sumacop.

Ang sa cay Apriciong guinaua pagdaca tinauag si Crista,t, saca si Calista, man~ga babayeng tumalicod sila sa totoong Dios nang sampalataya. Na cay Doroteang capua capatid at inihabiling himuking mapilit, ang naturang Virgen at upang maákit na siya,i, sumamba sa man~ga Dioses.

Huag nang isipin na man~gagbago pa sa Iglesiang dati nang sampalataya, at yamang ang dati atin nang kilala ang hindi mabilang na Santo at Santa. Ang man~ga Mártires ay gayon din naman na nagsipaghain nang canilang buhay, sa catacot-tacot nilang camatayan sa cay Jesucristong Dios alang-alang.

N~guni,t, sa matibay ang sampalataya ang confecio,i, taga pamatnugot nila, siyang bumubuhay niyong calulua nang macasalanan na patáy sa gracia. Capakinaban~gan nila sa madalas na pag-cucumpisal gracia,i, nag-dagdág, at tinatalicdan yaong gauang linsad at ang calooban ay napapanatag.

Sanhi sa pagtangap nang capatauaran sa man~ga nagaua niyang casalanan, at sa calulua,i, nag-ninin~gas naman apóy nang pag-ibig na lalong dalisay. Cung sa ating pusò naman ay mag-alab ang buhay na sampalataya at uagas, pananalig saca pag-ibig na tapat ang calulua at gracia,i, matatangap.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap