United States or Kyrgyzstan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Subali,t, si Felicitas, na bucod sa cabanalan, ay pinagcalooban din nang Pañginoon Dios nang isang matouid at matalinong isip, at nang isang matalas na pag-iisip, ay naquilala niyang capagcaraca, at hinañgo niyang agad doon sa mañga salisalita ni Próspero sa caniyang sulat, na ang caniyang capatid ay lumilihis na sa matouid na daan, ó cung sana sa lumalacad, ay tumutungtong sa mañga lanay ó cumanoy.
Ang hinahañgo cong lamán sa ilalim nang mañga salisalita nang capatid mo dito sa caniyang sulat, ay ang siya,i, nahuli capagdaca sa silong iniumang sa caniya nang demonio, at caya, ang dating minamaitim niya, ay minamaputi niya ñgayon; at ang dating minamaputi niya,i, minamaitim niya ñgayon... ¡Cahimanauari, magcamali aco dito sa aquing sapantaha ó paghihinala! ñguni,t, acala co,i, hindi aco lumalayo sa catotoohanan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap