United States or Solomon Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Gayon din ang pagtula na sa wikang tagalog ay katutubo at lubhang mayamang gaya n~g wikang árabe, at malinaw nating namamalas sa m~ga awit, salawikain at babasahin ang gawi't sadyang pananalitang tagalog na patula. Sa tulang tagalog n~ga ay mapuno puno n~gayon n~g m~ga korrido ó awit ang ating m~ga tindahan n~g aklat.
Nariyan ang ating m~ga awit, dalit, salawikain; ang ating m~ga padalahan, novena't dasalan; ang ating komedia, dupluhan, panawagan at bugtun~gan; ang ating kundiman at kumintang; ang ating m~ga palabas-dulaan, m~ga aklat, man~ga pahayagan at iba't iba pang nagtatanghal n~g kayamanan n~g tin~gig n~g wikang tagalog.