United States or Tajikistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi pa kami dumadating sa aming paparoonan ay ninais ko nang magbalik; nguni't kami'y nasa laot na, at dahil dito ano pa ang aking gagawin kundi ang magtiis. At nagtiis nga ako't nasabi ko tuloy sa aking sariling: "kay hirap pala nang malayo sa minamahal" Oo, mahirap nga. At sukat bang pati ng malamig na simoy ng dagat na dati kong kinawiwililihang sagapin ay kayamutan ko!