United States or Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kaya n~ga tumpak na tumpak n~ga, sa atin ang sinabi n~g Director noon magkainan tayo sa bahay ding ito; ang sabat n~g isang kasama, na, Ang tawo'y di n~ga sukat magsasabi n~g tapos sa sinomang kapua lalaki sapagka't kung ganito n~ga ang siang mangyari kahihiyang lubha sa atin ding sarili. At nagsipagpaalam na ang lahat.
¡Tirso ko! ang sabat ni Teang na waring ... nagpaalaala n~g isang mahalagang tungkulin. Pumayapa ka, Teang, ang salo n~g makata, bago pumihit na muli sa mestisa. Elsa, ang m~ga nalilihis na hakbang ay di nararapat ipagpatuloy. Kung tunay na ako'y pinahahalagahan mo, ay inasahan kong iyong paiirugan ang isa kong samo: magpatawaran na tayo....