United States or Poland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Romeo ang tugon, "Julieta'y masaclap sa aba'y pumanao ang hinin~gang in~gat; n~gunit cung bayaan sa laot n~g hirap malibing sa lalim siya cong tuang agap, Paca-asahan mo, sa iyo yaring sulit ay bulong n~g pusong pabigcas sa bibig, ualang ibang han~gad sa dilim n~g saquit cun di maguing ilao dilag mo't pag-ibig."

Romeo ay big-lang nalumbay nan~ganib sa pagayong say-say n~g sula n~g isip, sa harapan nito'y halos na tuman~gis at sa anyong luhog gayari ang sulit: Aniya, "ó Julietang sinta n~g pagliyag layo sa gunita puso mo'y sumugat; n~gunit sa puri mo cung yao'y camandag antay co ang iyong parusa ó tauad.

Tan~ging iminali sa sariling sulit ang tungcol sa luhang di dapat mapatid n~g sintang magulang, pagcat asang isip sila ni Romeo ang lubos papahid. Catuturan nito saca na malaman bumabasang ibig sa bandang hulihan, pagcat cung n~gayon pa'y boo nang tuturan sa utos n~g auit tula'y masisinsay.

Sa camay piniguil n~g anyo nang masoc n~g Conde'y sa big-la tantong nan~gilabot at saca tumanong n~g uicang may poot sa gayo'y cung sinong pan~gahas na loob. "¡Romeo Montesco! sa Conde tumugon n~g uicang may tuya at lubhang maugong. ani Conde baga bilango ca n~gayon, sa Verona,y nasoc pagcat di ca ucol. Sa lagdang parusa malinao n~g titic Verona'y pag nasoc buhay mo'y capalit."

N~gunit maguing Conde't casuyong magulang, nagcamaling lubos sa acala't asal, pagcat si Julieta di na macacamtam, liban cay Romeo, gayon ang libin~gan, ¡O m~ga magulang na maling mag-isip ang anac sa isang hindi sinta't ibig, ¿baquit pipilitin, tunay masasapit cun di dalamhati, sa pita'y malihis?

N~gunit si Romeo sa gayong pag upat, di nahintacutan dahilan sa liyag, pagcat sa sarili ang buhay na in~gat dusang sinusunong na matinding bigat. N~g upang madali sa casi pagdamay lason ang hinanap na pinagpilitan, halos na nalibot sa Mantuang tindahan at n~g macatagpuó ay ayao pagbilhan,

Sila'y maliligtas sa tamóng hilahil n~g asauang mahal ¿ano pang idaing? saca hindi batid huling sasapitin nila ni Romeo, na calaguim-laguim; Touá'y palibhasa sa muc-ha'y nalimbag sa asam na bitouin n~g magandang palad, pagdating sa bahay magulang namalas lalong naniualang tunay ang hinan~gad.

Hayo cay Julieta na linagdang sulat Paring nag ampon ay hindi tinangap n~g casing Romeo, palibhasa'y atas n~g pagcacagayon n~g amis na palad. Sa balat n~g lúpa ito'y calacaran ang pagcacataon dalaua ang taglay: touá cung maganda natin't capalaran, n~guni at cung amis bun~ga nama'y lumbay.

Nagcataon n~gani sa arao n~g antac sugat ni Romeo sa sintang matalas, sa cay Capuletong palacio'y may gayac piguing na ugaling culang sa magdamag. Bucal n~ga sa puso ang handa't catouaan lalo pang dinalas at pinag-iinam, muláng ang Principe sila hinatulang pagcaliz limutin n~g laong ca-auay.

Sa gayo'y sa munti na alio dinamdam sandaling sumicat sa busal n~g lumbay, Romeo niyacap ang casi't hinagcan. casunod n~g lúha't ¡"ay Julietang hirang!"