United States or Panama ? Vote for the TOP Country of the Week !


Inacay nanga sa labas nitong príncipeng marilág, at sa sacong isinacbát ang matalas na espuelas. Sa cabayo'i, sumacay na anyóng ilulucsó bagá, hinigpitan na ang rienda ay bumiling biling siya. Pálo't, táquid nang espuelas rienda'i, batac nang batac, at nang di nga mailipád ang príncipe sa itaas. Ano pa't, sa cahirapan pagdagoc na ualang tahan, caniyang iniilagan ang freno'i huag tamaan.

Nang malapit nang abutan princesa'i, muling nagsaysay, don Jua'i, eto na naman ang haring aquing magulang. Ang guinaua nang princesa quinuha ang sabón niya, sa lupa'i, inihulog na naguing isang bundóc bagá. Hindi ngani magcaraan ang cabayong sinasac-yan, nababaón ang catauán sa sabón na cabunducan. Naisip sa loob bagá nitong daquilang monarca, na hilahin ang rienda at mag-libid capagdaca.

Sa malaquing tacot bagá cabayong minansó niya. nag-luhá nanga ang matá ang lauay ay tumulo na. Nang maquita ni don Juan na di na macagulapay, caniyang sinunód naman sa princesang cabilinan. Hinila na ang rienda sa palacio ay nuí na, matuid ang lacad niya tuloy sa caballeriza. Hinubdán na ni don Juan nang freno't, sillang maringal, inilagay sa hagdanan at umuí na sa bahay.