United States or Myanmar ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pacaisipin mong tauo'y cung mamatay sa lan~git, ay buhay namang ualang hangan, ang nasa loob nang cay Cristong bacuran at sundin ang utos ay gloriang cacamtan. N~gun'i yaong man~ga aayaw pabinyag dusa sa Infierno'y siyang malalan~gap, at ang sa totoong Iglesia'y lumabas ay sa Infierno ri't lalan~gap n~g hirap.

"Siya yaong Pusong Kamahal mahalan na n~gayon ay ating kinaháhan~gâan Siya ang dinusta at pinakapaslang n~g sibat n~g sala n~g Sangkatauhan, Siya ri't di iba ang kaguinhawahan at tunay na alíw n~g may kalumbayan."

Sa kalaguitnaan halamanang ito ay mayroon namang marikit na kubo handang palamigan sa buan n~g Mayo kun ang alinsan~gan ay sumisimbuyó. Dito ri't iba'y may himalang dikít na isang dalagang matalinong isip, anopa't sinoman sa makámamasid ay mahahalatang may lumbay sa dibdib.

At, si Teang at si Tirso ay naging isang dalaga ri't isang binatang nagsumpaan na walang maglililo ni magmamaliw bago naghiwalay. Tulad sa karaniwang nangyayari, si Tirso ay naiwan ding walang tan~ging kasama sa tanang sandali kundi ang walang pasubaling pananalig sa kadalisayan n~g budhi at matibay na panghahawak sa kadakilaan n~g pan~gun~gusap ni Teang.

Mapangláw ang lahát, ang gabí'y tahimik at ang buwán noóng dapat nang sumilip, nagtatago pa rí't sa sangkatauhan ay nagmámasun~git bitui'y gayón dín at nakíkiwan~gis. Ni isáng himutók walang mapakinggáng sukat gumambala sa katahimikan; ¡oh, ang aking lahi!... payapangpayapa sa kanyáng hihigán habang nawíwili ang m~ga kalaban.

Ang sinisisi ko'y ako ri't di iba na kusang nadaya ay di alumana nasabik ang puso sa maling pagasa di magtiis namang buhay ay mapaka. Hanggang dito't yamang wala n~g panahon itong nalugami sa pagkaparool akong inayop mo'y di na malalaon sa dustang libin~ga'y pilit na hahantong.