United States or Uzbekistan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hari ay ayaw ring bata'y pabinyagan n~guni at sa Reynang pinakiusapan, caya't sa pagsamong lubhang malumanay nang Reyna sa Hari, ay umayon naman. Ang nasa nang Reyna ay cusang natupad noon din ang bata'y bininyagang agad, at Sigesmundo ang n~galang itinauag nang Rey sa Clotildeng loob na banayad.

Sagot n~g dalaga'y may pangyayari ang hindí pagayo'y lapastan~gang tanguí ang damdam n~g puso'y di na nakaganti sa anduka ninyo at pagkakandili. Huag panimdimin at laking ligaya niyaring aming loob ang mápabunyi ka sa kandiling in~gat n~g ating Monarka bakit walang anak ang mahal na Reyna.

At n~g maumaga Hari ay nag-utos sa embajadores na caniyang lingcod na sila'y humarap sa cay Agabundos at sabihin nila na ipagcaloob. Ang lupa n~g Reyna at ang m~ga bayan na minana bilang sa Amang namatay at inyong hintayin yaong casagutan cung ibibigay niya ó caya hindi man.

Maguing isang hiyas n~g Reyno n~g Francia Infanta Clotilde ang kilanling Reyna, sa Hari't saca sa tanang sacop niya ay isang dakilang turing na ligaya. Ang sagot nang piling man~ga embajada icáw po ay huag na mag-ala-ala, cung tungcôl sa gauang pagsampalataya ay di mangyayaring sisirain niya.

Ang uica n~g Reyna sa Obispong mahal ang Hari po'y iyo n~gayong pan~garalan, na ipakilala ang Dios na tunay sapagca't tatangap nang pagcabinyagan. Kinacailan~gan mo pong ipatalos ang man~ga tadhana at utos nang Dios, at sa puso niya'y ikinintal na lubos yaong sa cristianong man~ga sinusunod.

Cahilin~gang yaon nang mahal na Reyna ay sinunod naman nang sintang asaua, sa dagling panaho'y nagpagaua siya ayon sa pagtupad nang pan~gaco niya. Hari palibhasa ang siyang may atas ang nan~gagsigaua'y daming dili hamac, caya't nayari rin namang ualang liuag ang Simbahang hiling nang Reynang marilag.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap