United States or Gambia ? Vote for the TOP Country of the Week !


At tunay n~gang siyang Dios na totoo yaong sinasamba nang m~ga Cristiano, siyang sa canila ay sumasaclolo caya n~ga ang hiling n~g Reyna'y sundin mo. Siya ang lubos mong sampalatayanan n~g taos sa puso at siyang tauagan, at nang upang ating camtan ang tagumpay sa ang campon mo po'y bigyang catapan~gan.

Boong Reyno nama'y nag-aalay n~g saya tanda niyong ganap na paggalang nila, sa boong casulocsulucan nang Francia ay namimintuho sa canilang Reyna. Ang oras n~g gabi ano'y n~g dumating n~g mahihiga na Reyna'y nanalan~gin n~g casalucuyan n~g pananaimtim sa Dios, ang Hari lumapit sa siping.

Ang Hari't ang Reyna'y nagcaisang tunay nang canilang taglay na caugalian, at cung mag-utos man sila'y malumanay sa lahat nang campong nan~gasasacupan. Mulang yaong Francia ay maguing cristiano ay naguing kilabot niyong man~ga moro, at cusang natanyag ang pagca-guerrero lalo nang mag Hari ay si Carlomagno.

Sa pananalan~gin nang naroong lahat may nadin~gig silang voces na nan~gusap, na labis nang tinig at lubhang malacas caya't silang tanan ay nacatalastas. Niyong uicang Reyna'y natanto cong tunay ang lahat nang iyong man~ga carain~gan, cung magcristiano na ang Franciang calac-han ay di malulubos cahit masira man.