United States or Azerbaijan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa unang taon n~g pagcacatayo n~g Kapisanan at sa pagpapalit ay ang pagbubucas ay gagauin nang Presidente nang República na cun macatapos n~g pagbasa nang Calatas ay man~gan~gasiua nang pagtatayó nang dalauang Paniualaan na pagcaisahan n~g marami, isa ay lima catauo ang sangcap na siyang magsisiyasat nang lahat nang salin nang iba nilang casama at ang isa'y lalaguian nang tatlo catauo na sisiyasat nang man~ga salin nitong limang nauna.

At ang capangyarihan sa paghatol ay tataglayin nang m~ga Tribunal ó Kapulun~gan nang catuiran at nang m~ga Hucoman. Ang Kapisanan ay isang Katipunan nang man~ga Tagatayong inihalal n~g m~ga umaambag na may carapatán, upang man~gatauan sa canila at magtangcacal sa m~ga catuiran at pagaaring nasasaclau nang canilang Cabayanan at nang boong República.

Caracaraca'y huhugot dito rin sa nan~gagcacapisan at sa butusang lihim nang pagcaisahan nang mahiguit sa calahati na isang Presidente, isang Pan~galauang Presidente at tatlong Kagauad, at lulutasin ang paghahanda capag naisulat sa Presidente n~g República ang man~ga paghahalal na itó.

Ang man~ga pulong ay hayagan at hindi macapagpupulong nang lihim cundi mapagquilalang yao'y cailan~gan. Ang panahon nang pagcacabucas ay mapalalaon n~guni't catagalán na ang isa pang buan, una cung yao'y hin~gin nang Presidente nang República at icalaua cung yao'y mapagquilalang cailan~gan nang dalauang icatlong bahagui nang m~ga Tagatayó.

Sa boong nasasacupan n~g República ay magcacaroon n~g anim na calauacan man lamang na iaayao sa m~ga lupang lalong nauucol ayon sa dami n~g m~ga tumatahan, at sa bauat calauacan ay magcacaroon n~g m~ga Hucumang macailan~gan sa madali at matuid na pag aayos n~g catuiran.

Ang nan~gapapasoc sa sandatahan n~g República ay di magbabayad n~g ano mang ambagan at pararamtan at pacacainin n~g Pamunoan sa bayan habang gumugusad n~g catungculan.

Ang man~ga pasiya nang Presidente nang República ay pipilmahang palagui nang Kagauad na nauucol; n~guni't hindi ito mananagot na casama niya cundi maquilala na itong Kagauad ang naghamong nang m~ga naturang pasiya.

Siya ang quinabobooan n~g capangyarihang magpasunod sa m~ga cautusan at nalalaganapan n~g capangyarihang itó ang lahat na bagay na quinacailan~gan n~g cahusayan sa loob n~g bacuran nang República at sa icapapanatag sa labas, ayon sa ibinibilin n~g m~ga cautusan sa pagbaban~gon at sa iba pang bagay.

Gayon ma'y hindi pahihintulutan cailan man sa loob n~g lupain n~g República na matira ang man~ga Kapisanan n~g man~ga paring religioso na may sinusunod na Puno sa Roma sa piling n~g Papa.

Ang pooc n~g man~ga nayon ay tatauaguing bayan at ang pooc n~g man~ga bayan ay pan~gan~ganlang cabayanan. Ang Kapisanan n~g man~ga cabayanan ay siyang Katipunang tinatauag na República n~g Pilipinas. Ang República n~g Pilipinas ay namumuhay n~g sarili at ang pamahalaan niya ay ang nababagay sa caniyang pan~galan, sa macatuid ay ang pamamahala n~g isang República.