United States or Caribbean Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni't ang guinawâ n~g sanlazarohin ay inilayô sa canyá ang salapíng iyón sa pamamag-itan n~g isáng patpat: ¿anó ang gágawin niyá sa salapî sa gayóng walâ sino mang tumangáp n~g anó mang bágay na gáling sa canyá? ¡Cung macacain sana ang relicario! Tiningnán ni María Clara n~g boong pananaghilì ang m~ga babaeng nagbibilí n~g m~ga cacanín, at ikinibít ang m~ga balicat.
¡Tunay n~gâ! ang ibinulóng ni María Clara. At hindî nalalaman ang canyang guinagawa'y dalidaling lumapit sa baculan n~g cúlang palad, at inilagay roon ang relicario na bago pa lamang cahahandóg sa canya n~g canyang ama. ¿Anó ang guinawâ mo? ang sa canyá'y itinanóng n~g canyáng m~ga caibigang babae.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap