United States or Greece ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nguni't ako'y nagulat nang makita kong ikaw ang "Haring Constantino." Oy ang bati ko sa iyo ¿bakit ikaw ang Hari ? Mangyari'y ikaw ang Raina ang sagot mo naman. At tayo'y sandaling nagngitian, bago natin tinungo ang bahay ng "Hermano Mayor" at di naglao'y inilabas ang prusisyon. Kay daming taong nanonood. Lahat ay humahanga sa naggagandahang mga sagala.