United States or New Zealand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa tabi nang isang malauac na dagat na pinanununghan nang bundoc at gubat, may isang lalaquing doo,i, lumalacad ulol ang cauan~gis, ualang tinatahac. Sa lagay nang anyo,t, mapanglao na muc-ha mapagquiquilalang may dinaralita, ang buntong hinin~gang hindi quinucusa nag-aabot-abot na uala nang tila.
¡Oh diamanteng pusong ualang casing tigas at quinucusa na,i, ayao pang pumayag! n~guni,t, ¿ano caya,t, tila nabaligtad ang dating ugali nang sa mundong lacad? Ang bato balani ang siyang lumapit lumapit sa bacal na di co ma-isip, ¿ano caya itong hiuaga nang lan~git, hindi mapaghaca nang pantas na bait?