United States or Guyana ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bucod dito,y, may isa pang bagay na nagpapaquilalang maliuanag na di ipinahintulot nang Dios ang sacunang yaon sa pagpaparusa cay Robinson, cundi bagcus pa n~gang sa pagiin~gat at pagcacalin~ga sa caniya; sa pagca,t, nang siya,y, malapit na at mapagsiyasat ang lupang parang quinatatamnan niyong batong malaqui na naguiguing pinacabubong nang caniyang tahanan, ay quinilabutan siya, sa pagcaquitang nalilibot nang lupang buhaghag, na sa calaunan nang panahon ay sapilitang guguhò dahil sa cabigatan nang batong yaon at sa cabuhaghagan nang lupa.
Nang matalastas niyang ang man~ga bagay na iniaanod nang volcan ay napatutun~go sa lupang tinutubuan nang man~ga patatas, quinilabutan siya sa pagiisip na baca yaong umaagos na apuy ay nacasira sa halamang yaon; at hindi siya natahimic han~gan sa di siya nacarating doon. Pinaronan n~ga niya ang lupang quinatatamnan nang man~ga patatas, at di mamagcano ang caniyang catouaan nang caniyang maquitang hindi naaano; datapoua,t, sa anomang mangyari, ay inaacal
Salita Ng Araw