United States or Bermuda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang icalaua,i, baual din ang man~ga librong sadyang nagtutucoy, nagsasalita, cun nagtuturo caya nang calibugan, cahit doo,i, ualang nahahalong maling aral cun erejía caya . Alinsunod dito,i, baual iyang lahat na man~ga palasintaha,t, auit at corridong paraparang mahahalay, na totoong quinauiuilihang basahing nang caramihang man~ga tagalog, lalaqui man at babayi man. ¡Daming ba pa nang man~ga nan~gapapan~ganyayang caloloua dahil dito sa man~ga tampalasang auit at palasintahan!
Catapustapusan ay nagcasaquit, at lumubhâ ang lalaquing ito, at sa lagay na iyon ay nabalisa ang maauaing babayi, na dating tumitin~gin sa caniya, at sa paghanap nang magagaling na paraan, nang huag mapacasamâ ang calolouang yaon na tinubos ni Jesucristo nang caniyang dugô, ay naalaala ang malaquing capangyarihan nang pagdaló ni San Josef sa tauong mamamatay, at iniamó sa Santo Patriarca na siya ay tulun~gan, at ipinan~gacong dadasalín sa pitong arao na Domingo ang dating quinauiuilihang devocion nang caniyang man~ga sáquit at ligaya, nang macamtan ang tunay na pagbabalic loob nang lalaquing nararatay, na ipinananalan~gin niya.