United States or Singapore ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang iguinagayác sa loob nang Reino yaóng pagcacasál na camatayan co, aquing na-acalang magdamit guerrero cúsang magta-anang sa Real Palacio. Isáng hatingabíng cadilima,i, lubhâ lihim na naghunos acó sa bintana ualáng quinasama cun hindî ang nása matuntón ang sintá cong nasaang lúpa.
Ang ugaling ito ay binagong cusa nang naturang Fidel, aquing cababata mulang mapag-uari niya,t, maunaua na sa cotouira,i, tantong nalilisiya. Aquing quinasama habang nag-aaral ang tapat na loob na catotong hirang; dito nalathala yaong catalasan nang isip ni Fidel na quinahan~gaan.