United States or Uganda ? Vote for the TOP Country of the Week !
«At ang gauin natin tayo ay dumalao «sa cay Efigenian quinahihiligan, «nang canilang pusong n~gayo,i, nadidimlan: «¡Mahabaguing lan~git sila,i, liuanagan! «Sa gahasa,t, galit di dapat daanin «ang canilang puri,i, puri naman natin, «at cahalay-halay na ito,i, pagdinguin, «caya,t, sa malubay ang lalong magaling.»
Sanayin mo at dagdagan ang catutubong alam at talas n~g isip na ipinagcaloob n~g Dios sa iyo sa pamamagitan n~g pagaaral, at pagsaquitan mo sa boong macacaya ang gauang quinahihiligan n~g iyong loob, na huag cang sisinsay cailan man sa daan n~g magaling at n~g catuiran, n~g mapasa iyo ang lahat na bagay na dapat mong cailan~ganin at sa paraang ito'y macatulong ca sa icasusulong n~g calahatan: cun gayo'y magaganap mo ang ipinatutungcol sa iyo n~g Dios sa buhay na ito, at cun ito'y maganap mo'y magcacapuri ca at cun maypuri ca na'y ipatatanghal mo ang calualhatian n~g iyong Dios.