United States or Namibia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang masaquim sa camahalan, sa caraniuan ay hindi marunong tumupad nang catungculan, sapagca,t, hindi ang catungculan, cun di ang camahalan ang pinagsasaquiman; salat sa bait, sapagca,t, cun may inin~gat na bait, ay maquiquilala ang cabigatan, ay hindi pagpipilitan cun di tatanguihan, caya marami ang naquiquitang pabaya sa bayan, ualang hinaharap cun di ang sariling caguinhauahan; ang mayaman ay quinacabig, at ang imbi ay ini-iring.
Cun ang pananalo,i, nagcacaalan~gan, na ang magcacalarô ay may cani-caniyang matouid na inihahanay, ay ipahahayág nang banayad, at houag sisigáo-sigáo ó magpapahalatá caya na ualang inin~gat na mahinhing loob. Ang pagcaisahang hatolan na dapat matalo sa inaacala mang siya,i, may matouid ay magparayá at ang isaloob, ay ang nagsihatol ay may bait na tauo,t, ualang quinacabig at ualang iniiring.