United States or Estonia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang tauong pupurgahin ó pasusucahin, ay hindi sucat cumain muna nang marami sa loob nan~g isang arao, cun quinabucasang talagang bibig-yan siya nang purga ó pasuca; magaling naman ang siya,i, uminom nang ilan tazang tubig na malacuco doon din sa arao na yaon, bago magpurga nang quinabucasan.

¡Oh di sucat malirip na justicia nang Dios! Nang gabi ring iyon ay dinatnan nang camatayan sa pagcacatulog. Nang quinabucasang maquita nang ina,i, patay ang anac, ay ualang pagcasiyahan nang calumbayan, dahil sa pagcamatay na biglá, at di pagcacompisal nang caniyang anác. Ipinatauag na madali ang confesor, at ipinahayag ang caniyang agam-agam. Ang sagot nang confesor, ay huag ca, aniyang man~ganib, at ang anac mo ay di nagcasala cailan man nang daquila; gayon man aniya,i, ipaghahaing co siya sa Dios nang Santo Sacrificio nang misa, upan ding macacauas siya sa hirap sa purgatorio cun doo,i, may pinagdurusahan. Lumacad nang madali sa sacristia ang sacerdote, at gumayac, sa pagmimisa. Nang siya,i, pasa sa altar na, ay nacaramdam na sa caniyang licoran ay may humahauac sa casulla,t, ayao siyang palacarin. Nang caniyang lin~gonin, ang naquita ay isang caquilaquilabot na anino, na anyong tauo na nan~gusap; huag mo aniya, acong ipagmisa, at aco,i, nagdurusa sa infierno. Sa uicang ito,i, sabihin ang pagcamaang nang sacerdote. ¿Di baga, aniya, ang sabi mo sa aquin nang icao buhay pa,i, di ca nacagaua nang casalanang daquila? , ang sagót nang caloloua, hangang sa cahapong aco,i, tinuruan nang masamá. Capagca gau