United States or Nigeria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa canilang pagpapasial cabi-cabila'i, putucan, ang singsing nang haring mahal nahulog sa caragatan. Hari'i, nangusap pagdaca don Juan quita'i, muí na, at iyong ipatahan na ang cañóng nagsisisalva. Itinaás ang espada cay don Juang, hauac bagá, ang putuca'i, nagtahan na at di na naringig nila. Ang hari ay nagtuluyan doon sa palacio real, ang príncipeng si don Juan nuí sa porterong bahay.
Pitóng andana ang hanay nitong cañong nalalagáy, ang calzadang lalacaran tuloy sa palacio real. At anim ang batería na may cañong para-para, at ang nacacentinela coroneles na lahat na. Nang ito'i, mangyaring tunay cahit isa'i, ualang culang, ang princesa'i, nalis naman at sa cuarto'i, nagtuluyan. Ay anó'i, pagca-umaga ang hari ay naguisíng na, ang putuca'i, sabihin pa sa castillo at batería.