United States or United Arab Emirates ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~g puso ang dupoc catutubo'y pagcat at ang sa babayi lalo nang di palác Julieta'y ang sundang hinagca't sinacsac ang puso at saca asaua'y niyacap. Saca humagulhol n~g calunos-lunos pagcat nagcaagao sa mahinang loob: saquit sa pagpanao n~g asauang irog at saquit din naman n~g sugat ang handog.

Sumasagót siya luha,i, nabalisbis sa daluang matá perlas ang cauan~gis, nagulumihanan ang puso co,t, dibdib n~g oras na yao,i, nagdilim ang isip. Nang aquing malining pauang maunaua ang sa iyong ináng m~ga sabi,t, uica, sa daluang matá co,i, umagos ang luha sa laquing hinayang sa anác cong mutyá.

Sa ganda n~g iyong dibdib, baywang, batok, ay sinong banal pa ang hindi iirog? ¿Sa puti n~g iyong kamay na nilalik, sa m~ga labi mong may pulot at init, sa m~ga paa mo't binting makikinis ay sinong pihikan ang hindi iibig? Kung sinusukat ko ang ganda mong ari, puso ko'y ninibok at nananaghili, aking nasasabing Talo ko ang Hari kung ako ang iyong mamahál na tan~gi !

Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib? ang suyuan nami,i, baquít lumauig? nahan ang panahóng isá niyang titig ang siyang búhay co, caloloua,t, Lan~git? Baquit bagá niyaóng cami mag hiualay ay dîpa naquitil yaring abáng búhay? con gunitain ca,i, aquing camatayan , sa puso co Celia,i, dica mapaparam .

Naisaloob niya ang kalakasan ng budhi sapagka't wala sa kanyang magkakasala. Walang hahadlang, ang asawa niya ay wala. Kaya magagawa niyang lahat sapagka't hindi siya makikita ni Daniel Perez, na kanyang kabiyak ng puso, wala roon sa kanyang tahanan at nanaog at sinabing may pupuntahan lamang siyang kaibigan sa San Marcelino. Kaya tuloy na siyang nanaog matapos na makapabihis.

Nang makalampás ang isáng linggó ay nagbalík ang Doctor at sinabi kay Coronel Pusò: Maibábalit

Nang mahimásmasán ang aming m~ga pag-iyák ay sinabi sa akin ni matandâng Edeng: Súkat , mahál kong anák; akó'y mayroóng kauntîng salapî na ating mábabaon. Ating hanapin si Pusò at siyá'y alag

Tumigíl ang tibók ng pusò; napútol ang galáw ng ísip; pumaitaás ang kálulwa, úpang kailán ma'y huwag nang magbalík. Walâng naíwan kundî isáng bangkáy, isáng ngalan, isáng halimbaw

Nilimot na niya ngayon ang lahat ng kanilang naging palad ni Leonora. Nilimot niya at ngayon ay aanhin niya ang isang babaeng tulad ni Leoning na siyang sanhi ng pagpapakamatay ng unang nakaisang palad? Aanhin niya ang isang babaing walang iisang tibukin ng puso?

Sa ibabaw n~g damuhan at sa lilim n~g malalabay na punongkahoy na nagbibigay n~g kahalihalinang anyo sa pook na yaon, hindi mamakailang sila'y naguulayaw n~g boong payapa at ang m~ga puso nilang kalong n~g ligaya'y binibigyang panahong magkapalitan n~g wagas na tibukin ... At kung mapagod na sa panonood n~g hayop na walang kasingamo sa loob n~g kulungang bakal gayong pagkailapilap kapag nasa kagubatan, kung man~galay na ang m~ga mata't magsipamitig ang m~ga litid sa pagmamasid sa pagsasalimbayan n~g sarisaring ibong may iba't ibang kulay, sa paghahabulan n~g m~ga dagang-kosta, m~ga koneho, sa paguumakyat-manaog sa m~ga nagsalabat na kahoy n~g m~ga unggong mukhang taong pan~git, sa kiniwalkiwal n~g buwaya, sa pamamalupot n~g sawa, sa paninin~gasing n~g baboy-damo, tamaraw at iba't iba pa; kung sila ay manghinawa na n~ga sa lahat n~g iyan ay saka lamang nila lilisanin ang pook na yaon n~g sa puso'y taglay ang m~ga alaalang labis na makabuo n~g isang gintong kabanata sa kasaysayan n~g kanilang pagsisintahan....

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap