United States or Egypt ? Vote for the TOP Country of the Week !
Naisaloob niya ang kalakasan ng budhi sapagka't wala sa kanyang magkakasala. Walang hahadlang, ang asawa niya ay wala. Kaya magagawa niyang lahat sapagka't hindi siya makikita ni Daniel Perez, na kanyang kabiyak ng puso, wala roon sa kanyang tahanan at nanaog at sinabing may pupuntahan lamang siyang kaibigan sa San Marcelino. Kaya tuloy na siyang nanaog matapos na makapabihis.
Ay anong hinihintay mo at nakatigil ka pa? Nagaabang ng karumata. Dini ka na sumakay sa auto at hindi ko na gagamitin. Wala ka na bang ibang pupuntahan? Wala na, sakay na. Daniel, samahan mo na ako ang malambing pang pakunwari. Hwag na at marami akong gagawin sa bahay. Papanhik na ako. At, mabuti na lamang at ang pagkukunwaring yaon ni Leoning ay hindi nahalata ng walang malay na asawa.