United States or Guinea-Bissau ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang dalawang ito ay kapwa makisig: mga sekreta pala. Sila naman ang nagkuha ng tanong sa tinamaan, nguni't ni hindi rin matiyak kung sino ang may kagagawan. Sino ang may kagagawan ng ganito? Hindi ko po maalaman. Bakit pinatamaan ka ng punglo? Wala po akong malay; papauwi na lamang ako nang hindi ko hinihintay ay nangyari nga ang sakunang ito. Mayroon ka bang kaalit? Wala po akong nalalaman.

Wala ka bang nakakasamaang loob dito? Wala po. Hindi mo na matiyak kung saan nagbuhat ang punglo? Datapwa't ang tanong na ito ay hindi nasagot ng binata. Nakatalikod siya ng tamaan. Samakatwid ay sa kanyang likod nagmula. Nguni't hindi rin naman niya matiyak ng lubusan.

Sino ang may diwang masama na nagpatama sa bisig niya ng punglo? Alamin natin! Ang gulong yaon ay nakabulahaw ng gayon na lamang karaming tao. Sino nga naman ang may kagagawan noon? Isang bisig ang inaagusan ng dugong hindi maampat ang pagtulo. Waring lalong naghuhumapdi habang nagtatagal.

Oo, narinig ko na lamang ang putok at naging parang kidlat na biglang tumagos sa bisig ko ang punglo. Pako, wala kang nakita kahit na sino? Walang wala nga. Samantalang walang makaimik sa mga taong nangaroon, na, nakasaksi sa kalagayan ng kaawaawang binata. Salamat na lamang at dinaluhan agad ng may kapangyarihan: dalawang pulis ang madaling lumapit upang siyasatin ang pangyayaring yaon.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap