United States or Bahamas ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Siya kayâ yaong maningning na Ilaw na pumapatnugot sa Sangkatauhan, panan~glaw sa gabí n~g nadidiliman at sa may pighati'y pang-aliw na tunay Badhang taga-turo n~g iisang daan sa m~ga alagad na nan~galiligaw?"
Naghandog din n~g manin~gas at cágalingalin~gang pagbibigay dan~gal cay Rizal, sa pamamag-itan n~g isáng talumpatì si Theodore Roosevelt, presidente n~g Estados Unidos: sinabi niyang carapatdapat uliranín ang buhay ni Rizal at ang m~ga librong kinathâ niya'y Evangeliong pumapatnugot sa landás n~g icasusulong, iguiguinhawa at icaririlág n~g m~ga bayan.
Ang Noli me tangere at ang Filibusterismo'y ilaw na maliwanag na pumapatnugot sa m~ga filipino sa lacbaying cahiraphirapan at mapan~ganig na pagtatamó n~g casarinlang minimithî. Cay Ibarra-Simoun at cay Elías ay mamamalas natin ang pagsintang tunay sa cagandaganhang lupang kinakitaan natin n~g unang liwanag; cay Don Rafael Ibarra at sa canyang anác na Crisóstomo'y ang pag-uusig n~g m~ga tacsíl sa bawa't may magandang cálolowa; cay Cápitán Tiago'y ang taong walang malay nalulugso ang puri dahil sa pagca mapaniwalaín sa hiduwang pinasasampalatayanan n~g m~ga gumagamit n~g religión ni Cristo upang maday
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap