United States or South Africa ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang nagcacasaquit nitong icalauang bagay na apoplegía na sinaysay co n~gayon hindi lubhang nahihirapan nang paghin~ga. Ang pulso,i, hindi lubhang matigas; cun minsan sungmusuca ang maysaquit, at ang muc-ha,i, hindi mapula, para doon sa isang bagay na apoplegía. Nang houag umuling dumaan ang saquit na apoplegía ó panhihimatay, cailan~gang maghusay ang maysaquit sa caniyang catauan.

Itong saquit na ito,i, dala nang pamamaga nang sicmura ó nang bituca dahilan sa cainitan nang dugo. Ang tiyan ay sungmasaquit muna nang malaqui, at cun malauon ay lalo pa manding sungmasaquit; ang pulso ay madalas at matigas.

Paiinumin nang marami nang bilin sa número 3. Cun ang pulso,i, malambot na, ang gagauin sa maysaquit ang man~ga turo sa párrafo 383, na sinundan nito. Datapoua cun minsan ay dili cailan~gang pasucahin ang maysaquit. Cun baga malaqui ang catigasan nang pulso, nang bago siyang magcasaquit, ay mabuti purgahin nang bilin sa número 11, capag sinangrahan na.

Ang panghihimatay na dala nang cáinitan nang dugo, cun minsan ay nacamamatay na tambing sa tauo, cun malaquing totoo ang saquit; cun hindi lubhang malaqui ang saquit, ang pulso ay malacas, puno at mataas, at ang caniyang muc-ha ay mapula, at namamaga; ang liig ay namamaga rin ang paghin~ga ay mahirap at ga main~gay; ang may catauan ay hindi nacacaalam tauo, napapaihi, at napapailaguin at cun minsan dungmuroal.

Doon nauuhao at nahihirapan ang maysaquit, at hindi siya matutong lumagay; at cun malaqui ang saquit hindi macatulog siya, at tila nahuhung-hang; cun minsan ay hilim, at mapan~ganib ang caniyang buhay. Ang pulso,i, totoong dalas pagca gayon; datapoua cun nauauala na ang pamamaga nang muc-ha at nang liig, ay hindi na lubhang mapan~ganib ang buhay nang maysaquit.

Bucod dito,i, namumula cun minsan ang pisn~gi, at ga ibig sumuca ang maysaquit. Cun minsan hindi nararamdaman ang saquit nang dibdib, cundi lungmalo muna ang ilang oras, ó sa icalaua ó sa icatlong arao nang pagcacasaquit. Ang pulso nang maysaquit ay matigas; datapoua cun malaquing totoo ang saquit, at mapan~ganib ang buhay nang tauo, ang pulso ay malambot at munti.

364. Ang nagcacasaquit nang gayon mahirap man ang caniyang pagcaramdam ay hindi nalalagnat, cun hindi pa nacalalo ang isa ó dalauang arao nang caniyang pagcacasaquit; at lagnatin man ang maysaquit ang pulso,i, hindi totoong tigas; at hindi rin malacas; ang tiyan ay hindi namamaga, at hindi mainit para nang sa isang cólicong sinaysay co sa p

Itong man~ga pasuca ay hindi sucat ibigay sa maysaquit, cun matigas ang pulso, ó cun hindi ungmuunti unti ang lagnat, ó cun yayat na totoo ang maysaquit. At nang maalaman nang mangagamot, cun cailan mapapasuca ang maysaquit, ó cun cailan hindi sucat pasucahin, basahin niya muna ang capítulo 88, nang houag magcunpapaano ang caniyang pag-gamot sa tauo.

Ang tauo,i, masasangrahan sa alin mang ugat nang caniyang catauan; houag lamang doon sa man~ga ugat na nadoroon sa piling nang may tungmitiboc na pulso. Cun ualang marunong sumangra, na-aari ang linta ó ang ventosa.

Cun ito,i, hindi pa magcasiya, at ang cataua,i, hindi pa pinagsasaolan nang init at nang pulso, at hindi pa pinapauisan nang mainit ang gagauin, ay doon sa gologod, doon baga sa licod mula sa batoc hangang sa bayauang ay tapalan nang sinapismo ga apat na dali calapad, at sa ibabao niyong sinapismo ay ihahagod pa ang isang boteng may tubig na mainit; at cahit ualang sinapismo ay totoong maigui itong paghagod dito sa licod.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap