United States or Tunisia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun ang lagnat ay malaquing totoo pati nang saquit nang ulo; cun ang muc-ha,i, mapula, at ang pulso,i, matigas at puno, at bucod dito nag-uubo ang maysaquit, ó cun ang pulso ay matigas din nang mauauala ang lagnat, at ang dila,i, tuyo, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit, at paiinumin nang marami noong bilin sa número 3.

Cun umaga ang lagnat ay ungmunti, at ang pulso ay magaling-galing; at di man mahirap na totoo doon ang damdam nang maysaquit siya,i, totoong anaqui pagod. Ang dila,i, maputi,t, marumi, pati nang n~gipin; at ang hinin~ga,i, mabaho.

Caya cun mahina ó hindi husay ang pagtapon nang puso nang dugo, ay mahina rin at hindi husay ang pulso, na dahil doon naquiquilalang maysaquit ang tauo. Caya n~ga yata touing sabihin sa librong ito, na ang pulso,i, malacas, ó mataas, ó puno, ang cahologan noon ay ma-aalaman na nang mangagamot ayon sa turo cong una.

Datapoua cun malaquing saquit yaon, cun malaqui naman ang lagnat, at ang pulso,i, malacas at matigas, ay cailan~gang sangrahan nang caunti ang maysaquit, at cun hindi rin ungmuunti ang lagnat ay sasangrahang minsan pa, ó macalaua caya.

Caya hindi pa siya gungmagaling-galing bagcus ang lagnat ay para nan~g dati; matulin ang pulso, at cun minsan mahina at malambot; datapoua,t, cun minsan nama,i, matigas, at ga nag-aalon-alon; ang paghin~ga ay mahirap; pinan~gin~gilabutan nang guinao na maminsanminsan; gab-i gab-i lungmalaqui ang lagnat; ang pisn~gi ay mapula; tuyo ang man~ga labi, at nauuhao ang maysaquit.

Cun minsan gagaling ang maysaquit pag linabasan sa catauan nang man~ga butil na marami na puno nang tubig. Ang pulso ay munti. Cun natutuyo ang dila at nauunat ang tiyan nang maysaquit, ó cun nalilio, ó nagsisin-oc, ay namamatay na ualang magaua.

Ang isang oras mayroong anim na pouong minuto . Cun ang tauo,i, nacalalo na sa anim na pouong taon n~g caniyang edad, ay dungmadalang dalang sa rati ang pagtiboc n~g pulso niya. Cun ang tauo ay bata pa, na hindi ungmaabot sa labing ualo, ó dalauang puong taon nang caniyang edad, ay matulin ó madalas ang pagtiboc nang pulso; ang sa man~ga sangol lalo pang matulin.

Mahahalatang malacas pa ang maysaquit, cun idiin nang malacas lacas nang man~ga daliri nang camay ang canyang pulso, at cun baga idiin man nararamdaman din ang pulso, ang may cataua,i, malacas pa.

Cun baga lungmulubha pa ang maysaquit ay namamaga,t, nabubuloc ang bituca, at ang iniilaguin niya ay nana, ó man~ga maitim na tubig, at mabaho; saca nagsisin-oc, nasisira ang bait, ang pulso,i, hungmihina, pinapauisan ang maysaquit nang malimit,sinusubaan at namamatay; datapoua cun hindi lulubha ang maysaquit, ay hungmihina-hina ang pag-iilaguin, ang dugo ay nauauala, lungmalacas-lacas ang may catauan at nacacatulog.

Ang pulso,i, bahag-ya na nararamdaman, at totoong unti at matulin, na hindi mabilang ang man~ga pagtiboc; nagbabalisa ang maysaquit, mayroong pauis na masama sa dibdib, at namamatay tuloy.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap